Ads Here

Friday, June 4, 2021

WATCH | Duterte hindi tumupad sa usapan – Alan Cayetano

Inamin ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na maraming pangako sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte subalit kailanman hindi siya nagtampo sa presidente. Ito ang naging tugon ni Cayetano sa pagtatanong ng media kung bakit hindi napasama ang mambabatas sa mga pangalan na posibleng successor ng pangulo sa mga kakandidatong pangulo sa 2022 election. Ipinunto pa noong 2016 election siya ang bise presidente ng pangulo subalit nakipag usap kay dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr na kandidato rin noon sa pagka vice president. Pag-upo sa pagka senate president na hindi rin natupad hindi rin siya nagtampo. Iginiit din ni Cayetano ang unang usapan na 3 years House speakership subalit sa kalaunan nagkaroon ng term sharing hindi rin aniya nagtampo ang mambabatas. Ganito aniya siya ka supportive kay Pangulong Duterte at sa administrasyon hanggang sa 2022 election basta may mga 5 years plan para sa susunod na administrasyon.

The post WATCH | Duterte hindi tumupad sa usapan – Alan Cayetano first appeared on .

Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)

No comments:

Post a Comment