Kinalampag at pinuna ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwisan ang mga social media influencers dahil sa kumikita ang ilan ng mga malalaking halaga sa social media. Iginiit ni Zubiri ngayong hirap na hirap ang mga tao dahil pandemya na dulot ng Covid 19 kung saan gumagawa ang ilan ng diskarte para mabuhay tulad ng paggamit ng kabuhayan sa internet o social media tapos kakaltasan pa ng buwis ng BIR. Ayon kay Zubiri, kung siya ang tatanungin sa ngayong panahon ng krisis hindi siya pabor sa anumang uri ng karagdagang pagbubuwis sa mga kababayan tulad ng mungkahi ng pagpapataw ng buwis sa mga social media influencers. Inihalimbawa pa ng senador ang kanyang anak na nag-online bakeshop na maliit lang ang kinikita tapos pre-register pa at bubuwisan pa. Ipinunto ni Zubiri sa BIR na overtax na ang taumbayan sabay panawagan na kung maari ngayong panahon ng pandemya na dapang dapa ang mga kababayan isangtabi muna ang mga karagdagang buwis sa mamamayan. Aniya sakaling bumalik ang sigla ng ekonomiya maari naman na talakayin ang naturang mungkahi ng BIR subalit sa ngayon na dapang dapa ang lahat maging makatao naman ang BIR sa pagpapataw ng buwis sa mga hirap na hirap ng mga kababayan. The post WATCH | Buwis para sa mga social medial influencer pinalagan ni Zubiri first appeared on . Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)
No comments:
Post a Comment