Sa pagdinig ng PLLO budget na P146.4 million para sa taong 2022, pinagpaliwanag ni Senador Panfilo ang mga opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) dahil sa mababang obligation rate nitong taong 2021.
Lumalabas kasi sa P120.8 million budget ngayong taon ng PLLO, tanging 36.3% lamang ang obligated o umaabot lamang sa P43.9 milyon lang ang nagastos.
Ayon kay Lacson, napakababa na nga ng budget ng PLLO mababa pa rin ang obligation rate.
Paliwanag naman ni PLLO Usec. Antonio Gallardo sa komite bumaba ang kanilang gastusin dahil sa mga lockdown dulot ng pandemya.
Aniya, sa halip na personal sila na maghaharap sa mga meeting, ginagawa na lamang ito virtually na walang gastos sa pagkain at iba pa.
Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)
No comments:
Post a Comment