Ads Here

Saturday, October 23, 2021

WATCH | Ginulo ni Duterte!

Naniniwala si opposition senatorial candidate Antonio Trillanes IV na nalihis na sa totoong misyon at tungkulin nito na “to serve and protect” ang Philippine National Police, sa ilalim ng war on drugs campaign ng Duterte administration.
Sa panayam, sinabi ni Trillanes na ito ang dahilan kung bakit nais nitong muling isailalim sa “reorientation” at “reform” ang hanay ng pulisya.
Pagbubutyag pa ng opisyal, sa halip umano na pagpapa-iral ng batas, ay mistulang naging “mercernary” na ang ilang police personnel at pinagkakakitaan na ang pagpatay sa mga matuturong biktima.
Una na ring itinanggi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga alegasyon na naabuso ng mga otoridad ang mahigpit na kampaniya laban sa droga.
“I think the claim that the war on drugs resulted in an increase in the number of abusive cops is baseless and an unfair assumption because the PNP has never tolerated rogues in its ranks,” ang bahagi ng naunang pahayag ni Eleazar.
The post WATCH | Ginulo ni Duterte! first appeared on .

Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)

No comments:

Post a Comment