Ads Here

Saturday, September 25, 2021

Hontiveros to seafarers: You’re key to fight vs Covid-19 pandemic

Senator Risa Hontiveros observed National Seafarers’ Day by stressing the importance of seafarers in the fight against Covid-19.

“Kayo ang susi para maihatid sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lang ang essential needs gaya ng pagkain, kundi pati na ang mga medical supplies at bakuna na pinaka-kailangan upang epektibong maproteksyunan ang bawat isa laban sa Covid-19,” she said, addressing seafarers.

“Pero sa kabila nito, panganib at lungkot ang inyong sinusuong sa karagatan: nalalayo sa pamilya, kulang na benepisyo, hindi sapat na legal na proteksyon, hindi ligtas na working conditions, nabibiktima ng illegal recruiter at human traffickers,” she said.

“Marami rin ang nawalan ng trabaho, nagkakasakit at kapos ang health benefits. May pandemya man o wala, ang mga hamon na ito ay dapat nasusuklian ng katumbas na proteksyon at pag-aalaga,” Hontiveros noted.

“Isang malaking hakbang ang co-sponsorship natin ng Magna Carta of Seafarers sa Senado upang sa wakas ay maibigay na ang noon pa ma’y isinusulong nating dagdag-benepisyo at disenteng working conditions para sa inyo,” she said.

“Higit kailanman, karapat-dapat kayo sa isang healthy buhay at healthy hanapbuhay. Ito ang aking regalo para sa mga magigiting na marino na patuloy na sumasabay at nakikipaglaban sa hamon ng buhay,” Hontiveros said.

“Kaisa ninyo ako sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon, saan man tayo dalhin ng alon,” she said.

The post Hontiveros to seafarers: You’re key to fight vs Covid-19 pandemic first appeared on .

Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)

No comments:

Post a Comment