Tinanggihan ni Senador Christopher Bong Go ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban sa pagka-pangulo sa 2022 elections dahil aniya’y sakit ng ulo ang aabutin ng susunod na presidente. Muling iginiit ni Go na hindi siya interesado na tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan. Aniya nakatutok ang kanyang puso at isipan sa pagseserbisyo sa kapwa at wala siyang hangarin na makipagkumpitensya sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Sa kabila nito pinasalamatan naman ni Go ang nominasyon ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Energy Sec. Alfonso Cusi at nagpahayag ng kahandaang tumulong sa susunod na magiging presidente ng bansa. Iginiit ni Go na unahin na lang ng PDP-LABAN ang gustong tumakbo sa pagkapangulo basta ang mahalaga aniya ay makahanap ng katimbang ni Pangulong Duterte upang maipagpatuloy ang pagbabago ng bansa. Sinabi ng senador na dahil sa mga pagsubok na hinaharap ngayon, sakit sa ulo ang aabutin ng susunod na presidente at handa naman si Go na tumulong para sa kapakanan ng bayan kahit hindi siya ang tumakbong presidente sa halalan. Samantala, tinanggap naman ni Pangulong Duterte ang nominasyon sa kanya ng partido bilang vice presidential candidate sa susunod na halalan.
The post WATCH | Bong Go rejects PDP-Laban nomination a new to run for president first appeared on .Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)
No comments:
Post a Comment