Senator Leila de Lima on Monday dedicated her All Saints’ Day message to all victims of injustice under the Duterte administration.
“Ito ang pangalawang Undas sa gitna ng pandemya. Hindi tuloy natin malubos ang pagsasama-sama sa pag-alala sa mga pumanaw nating mahal sa buhay. Marami nga sa atin ang hindi na makakabisita sa sementeryo o makakauwi sa kani-kanilang probinsya,” the detained senator said in a dispatch from Camp Crame.
“Dalangin ko po ang patuloy na lakas, tatag at kapanatagan ng loob ng bawat isa sa atin sa kabila ng patuloy na pangungulila at banta ng krisis. Patuloy ko ring ipinagdarasal, hinahangad at ipinaglalaban na makamit na ng mga biktima ng karahasan at pamamaslang ang hustisya,” De Lima said.
“Dahil paano nga ba masasabing ‘namayapa’ sila kung patuloy namang naghuhumiyaw para sa katarungan ang pamilya ng mga biktima?” the senator said.
“Sa kabila nga po ng lahat, patuloy tayong magmalasakit at damhin ang pinagdadaanan ng ating kapwa. Kaakibat ng ating pakikidalamhati at pag-unawa, ang pagdamay at pakikipaglaban para maibalik kung ano ang tama at nararapat para sa lahat. Ibalik ang hustisya! Laban lang!” De Lima said.
“Muli, isang ligtas at makahulugang paggunita ng Undas. Ingat po ang lahat!” she said.
The post De Lima dedicates ‘Undas’ message to victims of injustice first appeared on .Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)
No comments:
Post a Comment