Senator Bong Go assured Super Typhoon Odette victims that the government “is determined to maximize all its assets to expedite relief, recovery and rehabilitation efforts.”
“Sa gitna ng mga kalamidad na ating nararanasan, nanawagan ako sa mga kapwa ko Pilipino na magkaisa para tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Odette,” the senator said.
“Mahirap maramdaman ang saya ng Kapaskuhan kung alam nating may mga kababayan tayong naghihirap,” he said.
“Kaya wala kaming pahinga ni Pangulong Duterte at ng buong administrasyong ito sa pagsigurong makakarating ang tulong sa mga nangangailangan,” he added.
Go said: “Para siguraduhin ang maayos na koordinasyon ng relief at rebuilding efforts, personal po nating tinututukan nitong mga nakaraang araw ang mga pinsalang naidulot ng Bagyong Odette.”
“Sa mga pagbisitang ito, nakipagpulong din si Pangulong Duterte sa mga lokal na opisyal upang direktang marinig mula sa kanila ang kanilang mga pangangailangan at agarang matugunan ang mga ito,” he added.
“Kasalukuyang ginagawa ng gobyerno ang lahat upang maibalik sa lalong madaling panahon ang supply ng kuryente, komunikasyon at tubig at maipagkaloob ang mga ayuda sa mga apektadong residente,” Go said.
“Ngunit kailangan ang whole-of-nation approach para masiguro ang mabilis at tuluy-tuloy na pagbangon ng ating mga kababayan,” he said.
The post Go: Gov’t will ‘maximize all assets’ to expedite Odette relief, rehab first appeared on .Source: Latest Politics News Today (Politics.com.ph)
No comments:
Post a Comment